Wednesday, March 31, 2010

Barok!













































































Katawa-tawa ang mga ibinigay na halimbawa ng maling paggamit ng Filipino sa taas.

Sa unang larawan, gumagamit ng malalaking titik nang hindi naman kailangan. Halimbawa, ang pangungusap na "Hindi ito Banyo o Kubeta!" Hindi naman pangngalang pantangi ang banyo o kubeta para gamitan ng malalaking titik panimula. Isa pa, ginamit ang kolokyal na salitang "konting." Hindi dapat ito ginagamit sa pagsulat; sa pananalita lamang ito katanggap-tanggap. Dapat "kaunti" ang salitang ginamit. Panghuli, sa pamagat ng plakard, may gitling ang salitang "pakiusap." Wala dapat itong gitling.

Sa pangalawa namang larawan, mali ang pagputol sa pangungusap pagkatapos ng salitang "huwag." Kung susuriing mabuti ang pangungusap, makikita namang nasa isang pangungusap lamang dapat ang "huwag" at ang mga kasunod na salita. Mali rin ang baybay sa salitang "mahaluan."

Sa panghuling pangungusap, lubha naman ang kabarokan. Hende raw nabobo lok ang basorang dapat etapon sa basorahan. Mali ito, at lubhang katawa-tawa. "Di Nabubulok" ang tamang baybay.


Monday, March 29, 2010

Maling paggamit ng Filipino

Bebot Bello ad campaign

1) Mula ang imahen na ito sa :

2)mali ang paggamit ng Filipino dahil pinaghalo ang english at filipino, dapat mag tiis ang gamitin

-Deano Reyes

Sunday, March 28, 2010

Magbasa ng Tabloid

Mula ito sa http://pinoyfunnypictures.blogspot.com/search?updated-min=2010-01-01T00:00:00%2B08:00&updated-max=2011-01-01T00:00:00%2B08:00&max-results=30.

Para sa 'Mommy nanganak forcep naiwan sa puday!'

Mga Mali at Pagwawasto:

1. Mommy- Maaari sanang 'Babae' na lang ang gamitin sa halip ng mommy. Hindi lamang dahil Ingles ito, dahil na rin sa kasunod na salitang nanganak. Sa kaalaman ng lahat, lahat ng nanganganak ay nagiging ina.

2. Forcep- Mas maiging 'forceps' ang gamitin.

3. Puday- Mas maiging palitan ito ng 'ari'.

4. Dapat ding lagyan ng gitling pagkatapos ng salitan 'forceps.'


Tuesday, March 23, 2010

PACK YOU!


"relief goods ka ba? gusto kita i-pack eh"

Mali ito dahil hindi malaking titik ang ginamit sa simula ng pangungusap. Ang paggamit ng salitang Ingles ay mali din.

Monday, March 22, 2010

Sa dyip..


Mali ito sapagkat ipinaghalo rito ang Ingles, Tagalog, at Text Lingo.

Sa palagay ko, wala yatang tama sa larawang ito. Mali lahat ng pagsasalita sa senyas.

Wednesday, March 17, 2010

"Chongs, KAKAASAR ka rin"

The 10 CONYOmmandments:

1. Thou shall make gamit "make+pandiwa".
ex. "Let's make pasok na to our class!"
"Wait lang! I'm making kain pa!"
"Come on na, we can't make hintay anymore! It's in Andrew pa, you know?"

2. Thou shall make kalat "noh", "diba" and "eh" in your pangungusap.
ex. "I don't like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it's like, so eew, diba?"
"What ba: stop nga being maarte noh?"
"Eh as if you want naman also, diba?"

3. When making describe a whatever, always say "It's SO pang-uri!"
ex. "It's so malaki, you know, and so mainit!"
"I know right? So sarap nga, eh!"
"You're making me so inggit naman.. I'll make bili nga my own burger."

4. When you are lalaki, make parang punctuation "dude", 'tsong" or "pare"
ex. "Dude, ENGANAL is so hirap, pare."
"I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh"

5. Thou shall know you know? I know right!
ex. "My bag is so bigat today, you know"
"I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!"

6. Make gawa the plural of pangngalans like in English or Spanish.
ex. "I have so many tigyawats, oh!"

7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know right?
ex. "Like, it's so init naman!"

8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
ex. "Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?"
"It's so tight nga there, eh, you know, masikip?"

9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?"
ex. "Like, OMG! It's like traffic sa LRT"
"I know right? It's so kaka!"
"Kaka?"
"Kakaasar!"

10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have para full effect!
ex. "I'm, like, making aral at the Arrhneo!"
"Me naman, I'm from Lazzahl!"

http://www.facebook.com/jcacacho?ref=ts#!/note.php?note_id=228162162289

--------------------------------------------------------------------------------------------
Nakuha ko ang "conyommandments" na ito sa blog ng punong-guro ko noong noong high school sa Facebook. Pagpapatawa lamang ang layunin ng blog na ito. Sa katunayan, mayroong maling balarila sa bawat numero pero hindi naman ito matatanggap nang buung-buo na maling paggamit ng wikang Filipino. Pero sigurado akong mayroong isang salita ang maling-mali sa wikang Filipino.

Sa pangwalo't ikasiyam na numero, makikita ang salitang "kakaasar." Mali ito dahil wala naman talagang salitang kakaasar. "Nakaaasar" ang tamang salita.

- Li'l Jon o Jon Chris Genato

Panimulang Salita sa librong "Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas" ni Teresita O. Santos

Mga napansin kong mali sa Panimulang Salita na ito:

1) Sa unang talata, gumamit ng 'ay' ang manunulat ng dalawang beses. 
TAMA: Isinulat alinsunod sa Bagong Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya na pinairal ng Sangay sa Paglinang ng Kurikulum, Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya, Kagawaran ng Edukayon, Kultura at Isports and aklat na ito, KASAYSAYAN AT PAMAHALAAN NG PILIPINAS. Iminumungkahi itong sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan at pamahalaan ng bansa.

2)Sa huling pangungusap ng ikalawang talata, 'pinagdaanan' dapat ang ginamit ng manunulat imbes na 'pinagdaan'.

3)  Sa ikatlong talata, ginamit ng manunulat ang 'ay' ng tatlong beses sa isang pangungusap.
TAMA: Nahahati ang aklat sa limang yunit kung saan sumasaklaw sa kasaysayan ng bansa ang unang apat na yunit at tungkol sa pamahalaan ang ikalimang yunit. 

4) Sa ikaapat na talata, 'kronohikal' ang ginamit ng manunulat. 'Kronolohikal' dapat ang ginamit niya. Gumamit din siya ng 'ay' sa talatang ito at sa huling talata.

-- Emelyn Balboa



Tuesday, March 16, 2010

nabulgar ang pagkakamali!

Iba nga talaga ang dating ng mga tabloid, ngunit kung susuriin sa pormal na pamantayan, hindi maipagkakaila ang pagkukulang.

1. Sa halip na '16-anyos nireyp, BF tinodas', mas mainam ito: 16-anyos binaboy/hinalay/ginahasa, nobyo pinatay.

2. Sa halip na 'Kris umiyak-iyak sa show para bumango ang image ni Noynoy', mas mainam ito: Kris umiyak-iyak sa palabas upang bumango ang imahe ni Noynoy.

3. Hindi na kailangang dagdagan ng salitang 'pipol' ang salitang 'madla'.

Pakisabi na lang kung may iba pang mapapansin sa larawang ito.

dick gordon ad



korapsyon imbes na kurapsyon

kunga ayaw magplay, maaaring makita sa http://www.youtube.com/watch?v=RdChPewngak

Sunday, March 14, 2010

HAHA:>



Oo nga naman. Masisira nga ang pag-aaral.

Dalawa ang napansin kong pagkakamali rito. Una, dapat may kuwit matapos ng salitang "pinairal." Pangalawa, imbes na nag-iwan ng espasyo sa pagitan ng "pag" at "aaral", dapat pinagdugtong na lang gamit ang isang gitling. :) Tim Barcelo
Nakuha ko ito sa http://aagizer.tumblr.com/post/230465594 .

Saturday, March 13, 2010

heheee.


(I seriously lol-ed reading this. HAHA)

Mas nararapat kung ULING yung baybay. :)
Nakuha ko ito shttp://palaisip.blogspot.com/2009/07/funny-filipino-signs-3_29.html

Magdadagdag pa ako kapag may nahanap :)

Ano raw???!!

Mula sa http://pilipinoanglahiko.wordpress.com/2009/06/30/ang-galing-nga-naman-magspelling-ng-pinoy/460024702_884b789595/ ang larawang ito.

Mali ang pagbaybay ng mga salita. 

1. Ded shit -> bed sheet

2. Dipindi -> depende

3. klasi -> klase

Malabo pa rin ang karatula kahit naiwasto na ang baybay ng mga salita. Marahi ito ang nais ipaalam ng karatula: Nagbebenta ng bed sheet dito. Nakadepende sa klase ng bed sheet ang presyo nito.

-Angelica Asis

barok Tagalog


Galing ito sa blog ni Danny Arao sa http://risingsun.dannyarao.com/2008/01/09/more-funny-signs-from-all-over-the-philippines/. Mali ang pagkagamit ng Tagalog dito, o ang tinatawag na "barok Tagalog".

Ito dapat ang nakalagay - Kapag inutusan kita, siguraduhin mong makakapag-ulat ka sa tamang panahon. Huwag mo nang hintaying tanongin kita tungkol doon para walang away.

- Bel Sales

Friday, March 12, 2010

Edited: Vandal / Bawal magdate?!

Nahanap ko po itong imahe sa "Nakanampucha", isang website na ginawa ng isang Pilipino. Dito, tumatanggap sila ng mga kontribusyon (bilang mga imahe, nakakatawang kwento, at iba pa) mula sa iba't ibang tao. Mahanap ito sa http://nakanampucha.wordpress.com/category/funny-signs/

Mali po ito dahil hindi po tama ang pagsalin-wika nito mula sa Ingles na pinapahiwatig ang pakiusap ng may-ari ng tindahan na iwasan ang pag-vandalize sa lugar na iyon. Maaaring mas akma po sabihing "Pakiusap: Iwasang tampalasanin ang paligid."

Galing itong imahe sa personal blog ni Danny Arao sa http://risingsun.dannyarao.com/2008/01/09/more-funny-signs-from-all-over-the-philippines/ Hindi po nagtugtugma ang dalawang mensahe dito. Ngunit, dahil nakapaskil ito sa isang parke sa Baguio, sa tingin ko po na ang nais sabihin ng gumawa nito ay "Bawal lumaboy dito."

-Monique Ang (Fil 12 I)

Thursday, March 11, 2010

Ito po ang bago. sorry. Natawa lang po ako sa una kong pinost. ang alam ko po, sa Laguna po iyon kinuhanan.

Nakita ko po ito sa pinoypsp.com. Marami mga nakalagay na spoof na filipino signages dito. Marami rin akong nakikitang ganito sa Las Pinas tuwing umuuwi ako ng bakasyon. Mas nakakatawa kasi hindi na ito pinalitan ng mga empleyado sa talyer. At kita sa pinagsulatan kung gaano na ito katagal. :) - Nono Piamonte

Monday, March 8, 2010

Maling 'Pinoy'

Ito ay nakita ko sa website na http://media.photobucket.com/image/bawal/eneria_27/pss.jpg?o=34 . Mali ito dahil ginamit ang salitang 'classic' at dapat may -ng sa 'ka'

Eto dapat ang nakasulat: Isa kang simpleng tao, klasiko sa mga diskarte mo. Malaya kang magpahayang ng iyong damdamin!

Mali rin ang paggamit ng 'yang' dapat dapat iyang. Mali rin dahil ginamit ang 'pinoy street sign'

Eto dapat ang nakasulat: Ako raw ang karatulang iyan sabi sa Facebook!

- Elva P. Sarte

Uten at Tingel

Photobucket

- Mali ang grammar. Dapat "ang mahuli ay puputulan"

Source: http://www.flickr.com/photos/7817883@N06/965049077/

No Trispaseng



Mayroong gitling sa gitna ng mag at vandals. Mali pa rin ang salitang "vandals".
Mula itong larawan sa Flickr. (http://www.flickr.com/photos/7817883@N06/1658730234/)
-Mich Te

Sunday, March 7, 2010

paano kung isang araw, makahanap ng gitling sa basurahan si mamang basurero

kung sinuman siya, maraming salamat (nakuha ko ang imaheng ito sa isang blog). gusto kong isiping nag-pose siya dahil sa maling paggamit ng gitling. maglagay ba ng gitling sa pagitan ng MAG at KALAT? kung maaari ay itigil na ang pagkakalat ng ganito.

Saturday, March 6, 2010


ito po. - Nono Piamonte